UNANG BAHAGI:PANIMULA PAG-AARAL SA PAGSASALIN

 

Ang tunay na mahalaga sa pagsalin ay ang aktwal na konsepto ng pagsasalin, Ipinakilala ang konsepto ni Ramon Jakobson ang tatlong iba’t ibang uri ng pagsasalin. Ito ay pinakakumplikado sa unang bahagi ng pagsalin. Ang intralingual translation ito ay pagsasalin ng dalawang language na magkapareho o iisang wika. Maaring makuha ito sa mga rekording sa parehong wika mula sa Ingles sa Ingles diksyonaryong kahulugan sa monolingual na diskyonaryo. Ang interlingual translation na tinatawag ni Roman Jakobson bilang “translation proper o tunay na pagsasalin, ang pinakakaraniwang  uri ng salin sa pagitan ng dalawang umiiral na wika Halimbawa Ingles at Arabic o Pranses o anumang pang wika. Samantala ang Ikatlong uri ng pagsasalin ay ang tinatawag ni Jakobson ang Intersemiotic translation na tumutukoy sa pagsasalin sa pagitan ng dalawang magkakaibang anyong ng komunikasyon. Maaaring ito ay mula sa nakasulat na salita tungo sa imahe o musika. Isang tipikal na Halimbawa nito ang pelikulang bersyon ng isang aklat.

 

Ayon sa interbiyo ang Unang bahagi ng pagsasalin  tumatalakay patungkol sa history o kasaysayan ng pagsasalin”

Ayon kay Jeremy Munday ito ay tumatalakay sa kasaysayan ng pagsasalin at pag-aaral sa salin at ang pinaka kumplikado ngunit ang “mapa”nna ipinagsama nina James Holmes at Gideon Toury na itinuring ni Holmes bilang tagapagtatag ng larangan ng Translation Studies (pag-aaral ng Pagsasalin). Ang ginawa niya ay ang pagbabalangkas ng kabuuang Disiplina sa Unang yugto pa lamang nito na mas pinag-aralan pa niya ang pagsasalin. Sinuri niya and teorya ng pagsasalin  ang descriptive translation studies (paglalarawang pag-aaral sa pagsasalin) at pati na rin ang aplikasyon ng pag-aaral ng pagsasalin sa aktwal na salin. Ngunit ang bahaging ito ay hindi niya gaanong napalawak.Ngunit tiningnan niya ang mga bagay gaya ng mga ksangkapan sa pagsasalin tulad ng mga diksyunaryo at gramatika noong panahon niya. Bahagya rin niyang tinalakay kung paano suriin o tasahin ang isang salin.

Gayunman,naging malawak ang larangan nito sa kaslukuyan. At sa huling bahagai ng kabanata (na bagong dagdag sa ikatlong edisyon) makikita ang konseptualisasyon mula ka Luc Van Doorslaer na magkapareho konsepto ni Holmes.

Sa unang bahagi ng konseptual na pagsalin dito ibinahagi ang klasipikasyon ni Ramon Jakobson ang tatlong uri ng pagsasalin Ang intralingual translation ito ay pagsasalin ng dalawang language na magkapareho o iisang wika at Ang interlingual translation na tinatawag ni Roman Jakobson bilang “translation proper o tunay na pagsasalin ang pinaka konbensyonal na uri ng pagsasalin sa pagitan ng Ingles at French, Arabic o iba’t ibang uri ng wika.  Ikatlong uri ng pagsasalin ay ang tinatawag ni Jakobson ang Intersemiotic translation na tumutukoy sa pagsasalin sa pagitan ng dalawang magkakaibang anyong ng komunikasyon sa pagitan ng pasulat at mga imahe o musika ang Halimbawa nito ay mga pelikulang bersyon na mula sa aklat.

Ano ang mga kailangang malaman o Mabasa sa Unang bahagi ng libro?

 Ayon kay Jeremy sinikap niya ilahad ng kaunti ang kasaysayan ng disiplina at kung ano Talaga ang ginawa ng translation studies dahil maaaring ikagulat nito ng mga taga-salin, ngunit noon ikalawang kalahati lamang ng ika-20 siglo nagsimula seryosihin ang pagsasalin bilang isang akademikong disiplina. Ito ay pinangugunahan ni Jmaes Holmes noong dekada 70 at 80 ang naglatag ng kanyang pananaw kung ano ang tunay na saklaw ng pag-aaral ng pagsasalin. sa unang kabanata ng aklat mayroong mapa na abatay sa gawa nina Holmes at Toury, na nagpapakita kung ano ang saklaw ng teorya ng pagsasalinng descriptive translation studies at kung paano nauugnay ang mga ito sa praktikal na aplikasyon sa pananaliksik. Kaya’t hindi lamng ito pananaliksik na ginagawa ng “ivory tower” o hiwalay sa realidad kundi ito ay tunay na aplikasyon sa pagsasanay ng mga tagasalin at sa aktwal na Gawain ng pagsasalin.

Ayon sa interbyu na ginagamit ang mga praktikal na aplikasyon sa kabuuan ng aklat, hind iba?

Ayon kay Munday ay Oo ginagawa niya sa bawat kabanata laging may isang kaso o Halimbawa na naglalapat ng teorya sa isang partikular na teksto o nilalaman ng pagsasalin. At sinisikap niya ipakita kung ano ang pangunahing punto o mahalagang aral pasa sa isang nagsasanay na tagasalin o sinumang nag nanais maunawaan kung paano Talaga gumagana ang proseso ng pagsasalin .

 

 

Kaunting kaalaman

 

Ayon kay Roman Jakobson, isang kilalang lingguwista, may tatlong uri ng pagsasalin (translation). Ito ang kanyang klasipikasyon:

  1. Intralingual Translation (Pagsasaling intralingguwal)
  1. Interlingual Translation (Pagsasaling interlingguwal)
  1. Intersemiotic Translation (Pagsasaling intersemiotiko)
  1. Pure Translation Studies:
  • Theoretical Translation Studies: Pagbuo ng mga teorya ukol sa pagsasalin.
  • Descriptive Translation Studies (DTS): Empirikal na pag-aaral sa aktwal na mga pagsasalin, kabilang ang mga produkto, proseso, at konteksto nito.
  1. Applied Translation Studies:
  • Pagsasanay ng mga tagasalin, kritisismo ng pagsasalin, at paggamit ng teknolohiya sa pagsasalin.
  • The Situatedness of Translation Studies: Sa aklat na ito, kasama si Ton Naaijkens, tinatalakay nila ang iba't ibang pananaw sa pagsasalin mula sa iba't ibang kultura, tulad ng Tsino, Estonyano, Griyego, Ruso, at Ukranyano, na nagpapakita ng kahalagahan ng konteksto sa pag-unawa sa pagsasalin  
  • Handbook of Translation Studies: Bilang editor, nag-ambag siya sa paglikha ng komprehensibong sanggunian para sa mga iskolar at praktisyoner sa larangan ng pagsasalin

Ito ay ang pagsasalin sa loob ng iisang wika. Halimbawa, pagsasalin ng isang lumang bersyon ng Filipino tungo sa makabagong Filipino, o pagpapaliwanag ng isang masalimuot na termino gamit ang mas simpleng salita sa parehong wika.

Halimbawa: Orihinal: "Salumpuwit"

Intralingual translation: "Upuan" o "Silya"

Ito ang karaniwang kahulugan ng pagsasalin, na nangangahulugang pagsasalin mula sa isang wika patungo sa ibang wika.

Halimbawa: English: "The house is beautiful."

 Filipino: "Maganda ang bahay."

Ito ay pagsasalin mula sa isang sistema ng senyas patungo sa ibang anyo ng komunikasyon, halimbawa’y pagsasalin ng isang tula tungo sa isang larawan, sayaw, pelikula, o musika. Hindi ito nakatuon sa wika lamang, kundi sa paglilipat ng kahulugan sa ibang anyo ng ekspresyon. Halimbawa: Isang nobelang isinadula bilang pelikula o ginawang ballet.

 

Buod sa pagkakaiba Luc Van Doorslaer at James Holmes

James S. Holmes: Tagapagtatag ng Translation Studies

Si James S. Holmes ay kinikilalang isa sa mga pangunahing tagapagtatag ng Translation Studies bilang isang akademikong disiplina. Sa kanyang seminal na papel na "The Name and Nature of Translation Studies" (1972), inilatag niya ang balangkas ng larangan sa pamamagitan ng paghahati nito sa dalawang

Ang kanyang modelo ay naging pundasyon ng modernong Translation Studies at nagbigay-diin sa kahalagahan ng sistematikong pag-aaral ng pagsasalin bilang isang independiyenteng larangan .

 

 Luc van Doorslaer: Pagpapalawak ng Pananaw sa Pagsasalin

Si Luc van Doorslaer ay isang prominenteng iskolar sa larangan ng Translation Studies na kilala sa kanyang mga gawaing nagpapalawak ng pananaw sa pagsasalin. Kabilang sa kanyang mga kontribusyon ay ang:

Ang kanyang mga gawa ay nagpapakita ng pagnanais na palawakin ang saklaw ng Translation Studies upang isama ang mga perspektibo mula sa iba't ibang kultura at disiplina.

 Isinalin ni:ANDO,RIZZA JEAN 

 

Comments