1897: Noon Hanggang Ngayon (Isinulat ni binibining rizza)

 

1897: Noon Hanggang Ngayon

Sa lumang Mansion na nakatira  si Carmelita ito ay ipinamana pa sa kanyang lola namaalam na sa mundong ibabaw ngunit bago namaalam ang kanyang lola ay may hinabilin siya kay Carmelita isang sulat ” alagaan mo ang mansyon dahil dito nakasalalay ang iyong kapalaran at pagkatao” marami man tanong sa isipan ni Carmelita ngunit mas pinili niya huwag isipin ito . Ang mansyon ay may kalakihan at kalumaan pero hindi parin nakukupas ang kagandahan nito bagkus bakas nito ang mga magagandang alaala. Nagustuhan ito ni Carmelita sapagkat nais niyang manirahan sa mapayapang lugar. Ang mansyon ay may makintab na sahig sa bawat hakbang parang may bumubulong na tinig ng nakaraan sa bahay, may magagarang ilaw at mala antik na kagamitan ngunit may  nakakuha ng  kanyang atensyon isang larawan nakasabit sa mansyon tila’y mga mata nito ay mapupungay na parang may hinihintay na tao darating hinayaan niya lamang ito at nagpatuloy sa kaniyang paglilibot sa mansyon.

Isang hapon ng tag-ulan, habang inaayos niya ang baul na iniwan ng kanyang lola, may natagpuan siyang bugkos ng mga liham na tinali ng pulang laso. Ang papel ay naninilaw at ang tinta’y bahagyang kumupas ,ngunit malinaw pa rin ang petsa sa itaas:

Oktubre 3,1897 ” bulong ni Carmelita

Nang buksan niya ang unang liham,tila huminto ang oras .

Sabay may tinig na” Mahal Kong Carmelita”

”Kung sakaling magising ka sa panahong hindi na ako kabilang, Huwag kang matakot. Ang pagibig natin ay hindi nasusukat ng taon, kundi ng pangakong muling magkikita”.

Nangiginig ang kamay ni Carmelita puno ng tanong ang kanyang isip. Paano naging para sa akin itong liham na isinulat mahigit isang siglo na ang nakalipas? Wika ng dalaga .Ngunit habang binabasa niya ang mga kasunod na sulat, mas lalo niyang naramdaman ang kakaibang pamilyar  na tinig parang ang bawat salita’y hinabi mula sa sariling tibok ng kaniyang puso.

Kinagabihan,dinala ni Carmelita ang mga liham sa silid. Sa ilalim ng liwanag ng kandila,binasa niyang muli ang huling sulat.

”hihintayin kita sa sandaling handa ka nang maalala”.

Biglang lumamig ang hangin Sa isang iglap, nabiyak ang oras na parang salamin. Ang orasan sa dingding ay tumigil sa pagtik-tak at ang liwanag ng kandila ay kumislap na parang  nahulog siya  sa pagitan ng kahapon at bukas, dala ang sulat ng kahapon bilang tanging gabay sa mundong hindi pa niya kilala..

Sa pagmulat ng kaniyang mata nagbago ang paligid ang  dating mansyon na gawa sa cemento ay napalitan ng mwables at bintanang kahoy ng acacia isang lumang sala may mga lamparang di-gas at bintanang kahoy na animo’y bumalik sa nakaraan na walang usok ng sasakyan tanging naririnig mo sa labas ay  yapak ng kabayo may karwahe sa likod. Sa harap niya isang lalaking hindi niya maaninag ang mukha ngunit ng unti unting ito lumapit isang pamilyar na mukha minsan nakasabit na larawan sa kanyang dating mansion si Alfonso nakasuot ng barong tagalog, ang mga mata’y puno ng pananabik at lungkot na matagal na itinago.

”sa wakas, nagising ka rin Carmelita ’ mahinang wika nito.

Sino ka at bakit ako’y narito? wika ni Carmelita. Hayaan mo ipakilala ang aking sarili sa pamamagitan ng mga alaala ito sabay pindot ng isang orasan na may kalumaan.Sa sandaling iyon parang hinigop ang kaniyang isip sa mga alaala. Nakita niya ang sarili sa isang babae kawangis ng kaniyang mukha isang dalaga nabubuhay noong 1897, nagmamahal,nangangarap at nangangakong babalik kahit pa paghiwalayin ng panahon at digmaan sa panahon ng 1897. Nahinto ang orasan ng nakaraan sabay wika ni Alfonso.

”ikaw ang aking pangakong hindi kailanman naputol”wika ng binata ” sa bawat siglo hinihintay kitang makabalik dito sa mansion sa bawat siglo hinihintay kitang maalala ako” dagdag ng binata

Tumulo ang luha ni Carmelita ,hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa kabuuan ng pag-ibig na hindi kaylan man natuloy dahil sa digmaan na ganap sa panahon na ito kahit nilamon ng panahon. Nalaman ni Carmelita ang katotohanan siya’y pauli-ulit isinilang sa iba’t ibang panahon ngunit sa bawat buhay, laging nauudlot ang kanilangn pag-iibigan. Tanging ang mansyon at liham ang susi upang malaman niya ang katotohanan sa kanyang pagkatao at tanging si Alfonso lamang ang naiwang naka-alala ang tagapagbantay ng kanilang pangako na minsan umibig sa dalagang nabuhay noong siglo 1897.

Lumuha si Carmela sa kaniyang mga nalaman dahil saksi ang panahon at digmaan kung paano na udlot ang kanilang pag-ibigan mga -alaala niya na minsan inibig niya ang binata Si Alfonso.  

”Ngayon ,maaari kang manatili” wika ni alfonso.” kung iibigin mo akong samahan sa mundo ito at iwanan mo ang kasalukuyan mamili ka. Napalingon si Carmela sa winika ng Binata .Sa isang iglap, nakita niya ang dalawang mundong magkaiba ang buhay na kaniyang kinalalakihan at ang pag-ibig na matagal nang hinihintay.

Kasabay sa  sinag ng araw, pinili ni Carmelita hindi iwanan ang panahon ng kasalukuyan ngunit pinili niyang baguhin ang kahulugan nito.

hindi ako mawawala” mahina niyang tugon.”kung hindi tayo pinagtagpo ng panahon noon ,gagawin kong tayo ngayon”

kung iyan ang iyong pasya aking Irog nawa’y pagtagpuin tayong dalawa sa susunod na kabanata ng ating buhay ’’ wika ng binata.

Nawa’y tayo magkita sa tamang panahon at oras aking Mahal na Alfonso salamat sa iyong paghihintay ,ako’y lubos nagagalak dahil sa iyo na buksan ang aking isipan at mga alala natin dalawa” wika ni Carmela sabay pikit ng mata kasabay sa pagtilaok ng manok nag bago ang silid kasabay naglaho si Alfonso.

Nagbalik siya sa kasalukuyang panahon ngunit hindi sakit ang nadarama ni Carmelita bagkus may iniwang liwanag sa puso  nito.

Makalipas ang ilang araw at taon , nagsimula sumulat ng Libro si Carmelita pinamagatang  gitna ng 1897: Pag-ibig hindi tumatanda. Sa bawat pahina buhay si Alfonso at sa bawat salitang binibigkas  nabubuhay ang pag-ibig nila.

Dumating ang araw ng book signing nailimbag ni Carmelita ang libro maraming tao ang nagustohan at namangha sa kuwento ng dalawang kasintahan sa libro nito. Habang  abala siya sa paglalagda ng kaniyang libro ay nahulog ang kaniyang panulat kukunin sana niya ito ngunit may kamay rin ang kumuha nito napatingin siya nito at nagulat sa kaniyang nakita ang lalaki minsan ang larawan nakasabit sa mansion at nakilala niya sa lumipas na taong 1897. Ngumiti ito sa kanya na parang ang mga tao’y naging malalabong anino, ang mundo’y tumatakbo na parang sila lamang gumagalaw sa mundo tila’y ang oras ay humahagibis sa dalawang bituin pinagtagpo ng kasalukuyuan.

’’ Sa huling pahina ng kabanata muling isusulat ang ating pag-ibig minsa ikinubli ng panahon ,noon haggang ngayon ikaw parin Aking Carmelita  

Tauhan:

Carmelita- manunulat ng libro

Alfonso – binata nabuhay sa 1897 na siglo umibig at naghintay kay carmela

Tema

Pag-ibig

Panahon at lugar

Panahon ng Digmaan

Kasalukuyan panahon

Mansion

Genre: historical/time travel

 Aral  : ang pag-ibig kaylan man hindi madaling kalimutan kahit ito’y ikinubli ng panahon. Ang pag-ibig ang siyang susulat sa mga kabanata minsan pinagkaitan ng panahon ngunit ang kapalaran ang muling pagtagpuin sa tamang panahon at oras.

 

 

 

 

 


Comments

Popular posts from this blog

UNANG BAHAGI:PANIMULA PAG-AARAL SA PAGSASALIN